Isa sa mga paborito kong gawain dito sa opisina ay umutot sa upuan ko.

Ewan ko, parang nagkakaroon ako ng mataas na lebel ng self-esteem kapag naiisagawa ko ang devilish na gawain na yon. At lalo naman sa self-fulfillment. Tumataas ang antas ng pagkatao ko kapag nagagawa ko yun.

Alam ko naman na ako lang ang nakaka-amoy nito madalas pero pinipili ko pa ding gawin. Masakit pero di maiiwasan. Masangsang pero kaylangang pagdaanan.

Siguro sa mga 5 na beses na pag-utot ko sa isang araw [di pa kasama diyan yung nasa C.R. ako] eh 3 times ko naamoy ang sarili kong utot na parang naging daily routine na sa araw-araw. Alam mong ayaw mong gawin pero di naman maiiwasang hindi dahil nakakatamad kung lalayo ka pa para umutot.

 

Kaya naman isinisilid ko na lang ang silya ko papasok sa ilalim ng lamesa para di umalingasaw ang putanginang methane yan.

Silid

Dito ako sumisiksik kada magpapalabas ako ng polusyon. Isisiksik ko ang silya ko dyan at minsan eh sisinghutin ko pag may sumingaw…

 

OpisBoy

sa ganitong paraan naman ako sumisiksik kapag kaylangan ko na talagang itago ang bombastic na fumes

Minsan kapag hindi ko ma-contain ang amoy, gagamitin ko ang jacket ko at sasakluban ko ang buong silya ko sabay sisinghutin ko ang amoy para madaling mawala. Alam kong parusa sa nasal passages ko pero kailangan kong pasanin ang kasalanang iniluwal ng puwitan ko.

Singhot lang hanggang mawala. Mawawala din yun.

Pero ang pinaka-ikinakatakot ko sa lahat eh yung magiging destructive force na dulot ng utot ko.

Ang utot ay uri ng gas na maka-categorize bilang METHANE.

Combustible at umaapoy na substance. Sumasabog pa kung minsan. Maaaring pagmulan ng kamatayan kahit di mo singhutin.

Isipin mo na lang, sa loob ng tatlong buwan kong pag-upo dito sa silya ko at halos 5 times ko itong inuututan, di na malabong mag-accumulate ang methane dito para makalikha ng isang pagsabog. Di man malakas eh nakakawasak pa din ng tumbong.

At sa bawat galaw at kiskis ng puwit ko sa silyang ito, nanganganib ang buhay ko. Sapat na para makalikha ng isang pagsabog ang init na nililikha ng puwit ko habang kumakaskas ito sa silya. Mas mataas ang tyansang sumabog kapag meron akong buni sa puwit.

Kaya naman ituring ninyong huling lathala ang bawat sulatin ko dito sapagkat baka isang araw, mapuno na ang silya, sumabog ang utot, at sumambulat ang utak ko sa harap ng computer.

Artistic hindi ba?

Chair

Maaari na itong maging weapon of mass destruction na maaaring gamitin ng mga terorista

6 Responses to “Explosion”
  1. Waw. Ibenta mo sa mga terrorists ‘yan pare!

    SABI KO:
    Kaylangan ko ng ahente Meryl. Wanna help?

  2. Bwahaahahhah shet laughtripppp =)))))
    Wala na ko masabi kakatawaaaaa =))) hahahahhahahah tanginang utot yan hahaha

    SABI KO:
    Haha, nako wag masyadong tumawa dyan Janelle. Baka naman ikaw ang mautot nyan sige ka…

  3. Eh kasi naman eh. Pasaway na entry. =))))) Natatawa na naman ako. Ano ba yun. hahaha
    (o yan onti na lang yun ha! haha)

    SABI KO:
    Haha, ayan, ganyan. Marahang tawa lang dapat. Salamat Regina, napatawa ako ng komento mo. Literal.

  4. ano ito?ano ito?…wahahahaha!
    npaka informative nito..
    clap*clap*

    delikado din pala ang upuan ko d2.
    hehehe.

    dumaan..
    nkitawa.

    SABI KO:
    Haha, nako, ingatan mo na ang mga friction dyan sa upuan mo churvah at malilintikan ka kapag sumabog yan. Salamat sa pagdaan, sana makabalik ka, hehe.

  5. Sure sure. Kokontakin kita pag may nahanap na ako.

    SABI KO:
    Yeeees, salamat! Alam mo naman number ko diba? Haha.

  6. hahaha.. naman.. pano ka di uutot ng madalas e sinisinghot mo ulit ung nilabas mong gas.. wag mong singhutin.. sa opismate mo ipasinghot para naman alam nya ang feeling ng nkadrugs.. hahaha..


    SABI KO:
    Ire-recycle lang pala yun no Meng? Haha, anak ng teteng yan. Sabagay pwede namang ilagay muna sa lalagyan bago idispense

Leave a Reply