Ang angas-angas ng tatay ko.

Pinagyayabang niya yung mga bago niyang brip.

Palibhasa panay pinaglumaan niya ang suot ko. Sus. Puro butas at masisikip. Medium lang naman ang sizes.

“Ang sarap talaga nitong bagong brip sa tumbong. Ang lambot ng garter at amoy bagong tela. May kakaibang kiliti sa puwit!”

-Tatay

Angas talaga.

5 Responses to “Maangas”
  1. tatay ko din maangas


    SABI KO:
    Ay ganun ba Mia? Nako, baka magkabarkada dati ang tatay naten.

  2. Angas nga!

    Kawawa ka naman, mga pinaglumaan lang sa’yo. Sa pasko, reregaluhan kita ng bagong brip. Abangan mo ah.


    SABI KO:
    Okay, dahil sinabi mo yan eh gusto kong regaluhan mo ako ng tatlong piraso ng jockey brief na original ha? Haha.

  3. bibigyan kitang Lampin, bonjing.. :>


    SABI KO:
    Gusto ko yung assorted. Yung may EQ, Pampers, Huggies, saka yung Dr. Popo ba yun? Yung pangmatanda.

  4. ang brip b pg luma n at wala ng pdeng mapapasahan e pdeng gawing panyo? curious lng

    SABI KO:
    Bong, pwedeng-pwede yan pero depende sa design. Kung plain white lang at tila kulubot-bacon na ang garter at maraming butas na kagaya nung saken eh baka pwedeng gawin mo na lang siyang panghugas ng plato.

  5. dahil sa kaangasan ni tatay mo.. ibabad mo sa almirol ang brip nya para wala na xang angas.. hahaha.. tignan natin kung makalakad tatay mo sa tigas ng brip nya.. haha..


    SABI KO:
    Sasamahan ko na din ng paminta at sili para sa mas exciting na underwear experience.

Leave a Reply