Hmmm, dahil matagal din namang panahon ang ipinaglalagi ko sa bwakanang Internet ito eh napilit ko din ang sarili kong bumoto para sa patimpalak ni Badoodles na tinaguriang Best Humor Blogs for 2008.
i-click ang larawan para makapunta sa site
Alam ko naman na hindi ako kilala ng mga humor blogs na iboboto ko dahil hindi na ako makapagparamdam sa kanila sa kakatawa. May utang sila sa aking Biogesic dahil pinapasakit nila ang ulo ko sa kakatawa.
Tama na ang satsat! Simulan na ang pagboto!
1. XienahGirl - Dalawa ang kanyang website, ang isa eh yung naunang Empermera at ngayon naman ang Chiksilog.com na bago ngayong taon. Ano ba ang meron sa babaeng baklang ito? Wala naman, simple lang siya at ang kanyang mga patutsada eh mas makunat pa sa animo’y taba ng baboy na sablay ang pagkakaprito. Sa kanyang website ngayon ay hindi pa daw siya nagpapasiklab, di tulad noon sa Empermera. Ito ang isa sa mga kakatuwang blog na nabasa ko kaya naman I give it 5 Biogesics.
2. Mr_D - Simpleng-simple pero maghihingalo ka sa kakatawa. Sa piling lamang ng blog niya naramdaman ko ang ginhawa na dulot ng diarrhea, na kakulay ng blog niya. Isa lamang sa mga institusyon ng katatawanan na natagpuan ko sa internet.
3. Alien FerBert - Sapagkat masarap sa kalooban ang magmura, kaya naman mas nakakatawa kapag mas malutong. Ang blog na nagpapatunay na ang mga alien ay nage-exist at nakapagbibigay-ligaya sa mga kagaya kong natatawa sa mga putangina at paksyit na binibitawan niya. Maaari mo ding bisitahin si FerBert sa Tanginang-Alien.
4. Billycoy - Ang Blasted Brain Blog ni Billycoy na masakit sa utak. Di ko man alam kung papaano nanakit ang utak pero alam ko na some point in time na nagbabasa ako ng mga blogs niya eh hindi ko mapigilang maluha sa kakatawa. Siguro ganito na lang ang dulot ng pagiging USB.
5. Abad - Kahit hindi ma masyadong aktibo si Abad ay marami siyang naiwang matinding mga bagay na kumikiliti sa aking mababaw na pagtawa tulad ng mga bagay na nakalimutan ko na pero alam kong babalik-balikan ko pa din sa kanyang website.
Hindi sapat ang bilang na lima para pagkasyahin ang ilan sa mga blogs na nagkalat dito sa Pilipinas. Ilan lamang ang limang ito sa mga kinagigiliwan kong blogs na nagpasaya ng damdamin kong puro putik na sa sobrang stressed.
Kaya kung gusto mo din namang manalo sa raffle eh pwede mo nang simulan ang pagboto mo at manalangin para manalo ng P15K, Sony Cybershot Camera, o di kaya naman eh Nokia N70.
Ano pang hinihintay mo? Next year? Di pwede, hanggang ngayong year lang to kaya boto ka na.

Entries (RSS)
Hello! Natuwa ako sa description mo. Salamat. Babalik din ako.
aprub. nabilang ko na ang boto mo. u r officially in.