Natutuwa ba ako? Hindi ko alam eh, parang natutuwa na ewan.
Paikli na kasi nang paikli ang mga salitang ginagamit ng mga kausap ko. Hindi ko naman sila masisisi dahil malakas talaga ang impluwensya ng sex.
TEXT. Text ang ibig kong sabihin, puta.
May nakakausap kasi ako at kapag kinakausap niya ako eh paikli na ng paikli ang bati niya sa akin.
Kmusta?
Musta?
Mzta?
Minsan naiiba ang version…
Ustah? - Ah, ano to? Tinatanong mo ba ako tungkol sa isang university?
Stah? - Ayan na, umiikli na.
Sta? - Wala nang H.
Hindi na din ako magtataka kung ang mga ibabati nila sa akin eh ganito…
ta?
A?
?
Lo.
O.
Tangina, ibang lebel na ata ng katamaran yun. Limang letra na lang ng MUSTA ang hinahangad ko eh hindi pa nila maibigay. Siguro tatlo lang ang daliri nila. Parang Kokey.
Minsan gusto ko ding makita ang kombo ng mga ito.
Friend: I. Sta? Lo.
Ako: Lul.
Hindi naman ako naiinis. Minsan lang kasi nanghuhula ako ng kung ano ba dapat ang gawin kong reaction sa mga pabati nila sa akin. Kung sasagutin ko ba ng mahaba o di kaya naman eh maikli din. Sana sa susunod na makatanggap ako ng pabati sa kanila eh ganito na ang masaksihan ko.
Dear Tannix,
Kamusta ka na? Kamusta naman ang kalagayan mo diyan? Nawa’y mabuti ang iyong nadarama sa ngayon. Nais ko lamang batiin ka sa *insert time of the day* ito upang maipabatid sa iyo na isa ka sa marami kong kaibigan na pinaunlakan ko ng aking pag-aalala. Kung mamarapatin mo, nais din kitang bigyan ng isang mainit na pasasalamat sa pagbibigay mo ng pagkakataon na makamusta kita at makausap. Gusto ko ring…
AH PUTANGINA MO TUMIGIL KA NA! STA NA LANG SA SUNOD!!!
Entries (RSS)
so funny naman 2ng site u, wer n u? hir n me..tc
kaloka.
putek yan. antipid magtext ng mga bwakanang-ina.
pero mas nakakainis yung sa ym na e ganun pa din. putek qwerty na ang keyboard at one to sawa ang haba ng pwede mong i-type. hahaha shetters
oo nga.. so funny nman dis site.. ask lng me, hu is that friend of urs?
lolz! sta?
meron pa ko dagdag
pasensya
sensya
xenxa
xnxa
xa
a
.
.
.
Lul.